Tuesday, July 14, 2009
ice cream treat
Tuesday, July 7, 2009
who is he?
Matagal na rin akong naghihintay ng susunod na kwentong barbero ni bob ong. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa tagal ng paghihintay ko parang nahuli pa ako sa balita sa bago nyang libro? Mabuti na lang kamo at napadpad ako sa NBS. Ayun, nakaadvertise bilang #2 best selling book for non fiction. Kaso, nalibot ko na ang buong bookstore, wala akong makitang kopya.
Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagtanong ako sa saleslady, sabi nya out of stock na raw. Walang bagong delivery. Bad trip. Hindi ako makatulog noong araw na yun, pinapatay na ako ng adiksyon ko.
Ayun, nakakuha rin ako ng kopya kinabukasan. Kaso wala akong oras para magbasa. Sa madaling salita, sa kinabukasan pa noong araw na yun ko nabasa. Dalawang oras lang ang itinagal ng mga pahina. Di ko namalayan, lumilipad na pala na parang ibon ang batang si Ging-Ging. Tapos na ang kwento.
Ganunpaman, ang KAPITAN SINO, parang kwentong katulad ng Mac Arthur. Nobela. Pero, astig pa rin. Marami pa ring nakakatawa. Marami pa rin akong natutunan. Marami talagang mga puntong nagpapamulat sa katotohanan, hindi man maniwala ang mga nakakakita ng libro na may ganung klase palang laman ito.
Katulad ng pagkasilver ng cover nito, parang bagong pag-asa.
Pero natutunan ko ang pinakaastig na sagot sa tanong na anong gagawin mo? Anong ibabahagi mo? --- “kung ano ang kaya ko.”
Sa huli, hindi kailangan ng pangalan para tumulong, kahit hindi Kapitan Sino ang pangalan nya, kahit pa Super Strength, ang importante, nagbibigay ka ng tulong base sa kung ano ang kaya mo.
Salamat Rogelio. Salamat Kapitan Sino. Salamat Bok-bok. Salamat Tessa. Salamat Ging-Ging. At super salamat kay Bob Ong. Oo nga, ito ang totoo.
Wednesday, July 1, 2009
Til when should I wait?

sa tagal ng paghihintay ko, heto ang mga natutunan ko:
- maraming bagay ang kailanman ay di mo malalamang posible pala kung di ka ganun katiyagang maghintay sa pagsapit nito.
- hindi dahil matagal ka na sa lugar ay mahal mo na ito, pwede rin namang kinakailangan mo lang talagang manatili dito.
- may mga taong determinadong magbago, pero madalas takot sila sa pagbabago. ayun, sa huli, wala rin namang magbabago. patuloy na lang silang makukulong sa bagay na hindi nila gusto, na hindi nila kayang iwan.
Monday, June 22, 2009
from pink to green...
Saturday, May 9, 2009
Call Center Rules
Kung meron mang nabago sa buhay ko sa magdamagang pakikipag-usap sa mga Inglisero sa ibang bansa, yun siguro ay ang “pananaw ko sa ORAS.”Haha, siguro aakalain mong matutunan mong maging mahusay sa lenggwaheng banyaga (sa pagsalita man o sa pag-intindi). Pwede na rin. Nung una naman talaga ang hirap nilang intindihin, yung tipong pagka-galit na sila at sunud-sunod na ang Ingles eh para ka na lang pinaputukan ng baril sa mukha. Wala kang masabi. Pero ngayon, ang sarap nang makipagsabayan at sabihing “I’m sorry for the interruption, but if you won’t be behaving in a professional manner, I will disconnect the call at once,” wahahaha. Sarap!
Pero ang babaw naman kung yung Ingles lang pala ang dahilan kung bakit andun ka sa call center. Para saan ang Ingles mo, eh marami namang tao sa ibang bansa na pilit minamahal ang kanilang lenggwahe at hahanapan ka pa ng interpreter kasi karapatan daw nila yun bilang customer. Astig. Ayaw nilang pilitin ang sarili nilang magsalita ng baluktot na Ingles dahil alam nilang hindi dahil nasa bansa ka nila eh susundin mo na ang lahat ng nasa kanila. Pero sa huli, may sense naman talaga ang pagsasalita ng Ingles, hindi ka nila maloloko. Period.
Maiba tayo at mabalik dun sa ORAS na sinasabi ko sa simula. Simple lang naman. Nalaman ko ang kahalagahan ng bawat minuto, ng bawat segundo. Sa sobrang halaga nila, nagulat din ako nung naramdaman kong matagal pala ang itinatagal ng isang minuto, at mas lalo pang nakakagulat na marami pala talagang nangyayari sa isang minuto. Biruin mo, sa isang minutong nawala ka sa operasyon, ang laki na ng nawawala sa buong grupo. Isang minuto na kung tutuusin eh ang sarap lang patayin pag nanonood ka ng TV, o kaya pag nagshoshopping. Sa sobrang halaga nito, mawawalan ka ng trabaho sa isang minuto na ilegal kang nawala.
Hay, buhay nga naman. Ang iba, ayun nag-eenjoy magsayang ng oras. Pero ako ngayon, kahit isang minutong nakapikit ang mata ko ay importante, kahit isang minutong wala akong ginagawa ay napakahalaga. Di ba? Kung mahalaga na sa akin ang isang minuto, mas lalo akong magiging masaya sa dami ng minuto sa isang oras, sa isang araw, sa isang linggo, sa isang taon… Mas may sense ang buhay, kung baga.
At dahil ba natutunan ko na ang leksyon ko, pahiwatig na ba itong dapat akong humanap ng pagbabago? Sana pagkagising ko bukas eh may sagot na.
Monday, May 4, 2009
on writing a book
Gusto kong sumulat ng libro.
Ako ang magdedesign ng cover.
Gusto ko yung astig.
Pero hindi ako magaling magdesign, sa kasamaang palad.
Kaya, magpapacontest na lang ako sa pinakamagandang design.
Ako na lang ang pipili.
Pero ano ang laman ng libro ko?
Nobela?
Biography?
Self-help?
Inspirational?
Fiction?
Non-fiction?
Ano?
Ewan ko. Wala akong maisip.
Paano ba magsisimula?
Sa anong lenggwahe ba mas maganda?
Kung sakali kayang makagawa ako,
May magbabasa kaya?
May mapupulot kaya ang mga mambabasa?
May tatatak kaya sa isipan nila?
Minsan naisip ko,
Mas ok palang magsulat na lang ng isang linya
Basta may magbabasa at may matututo.
Kesa makapal na libro na may astig na cover
Pero nasa sulok naman at pinagpipyestahan ng mga alikabok.
Sa ngayon, mas mabuting pag-isipan muna ang mga bagay na nais kong isulat.
Hindi lang dahil gusto kong magkalibro ay magsisimula na ako.
Ayoko ng basta libro lang
Wala akong pakialam kung hindi ito papatok sa masa
Basta may tao lang na makakaunawa at makikinabang
Kahit hindi marami, ok lang.
Kahit matagal pa, ayos lang.
Hindi dapat nagmamadali.
Parang buhay lang pala ang pagsulat ng libro.
Hindi katwiran na gusto mo kaya gagawin mo.
Kailangang pag-isipan muna nang mabuti.
Hindi lang ikaw mismo ang karakter sa buhay mo.
Marami pang tao
Kailangan mong isipin kung paano sila maaapektuhan ng ginagawa mo.
crystal clear
Isipin mo, kailangan ko pa bang mag-isip ng itatanong ko para lang mapatunayan sa’yong may alam ako, para malaman mong hindi ako mahina? Malamang nabuhay ka sa katotohanang “matalino ang batang matanong.” Oo tama yan, di ako kumokontra, pero hindi na ako bata, may mga bagay na kapag nakita ko ay maipapaliwanag ko, mga bagay na pag narinig ko ay maiintindihan ko. Sa mga simpleng pinagsasabi mo, sana maniwala kang naiintindihan ko. Hindi dahil wala akong maitanong eh wala akong naintindihan. Hindi mo ba nakuha na kaya wala akong maisip na itanong eh dahil alam ko na ang sagot sa mga posibleng itatanong ko?
Hindi nila ako katulad. May mga tao kasing magtatanong kahit alam na nila ang kasagutan. Ano sa palagay mo ang motibo nila? Simple, para subukan ang kakayahan mo at kung hindi mo masagot, alam nilang mas magaling sila sa’yo. Pero may mga tao naman talagang nagtatanong para linawin ang lahat.
Simple, kung nalalabuan ako sa sinasabi mo, uulanin ka ng mga tanong ko. Sana maging masaya ka dahil tahimik lang ako. Alam mo kung bakit? Dahil ibig sabihin nun, malinaw lahat ng mga sinasabi o tinuturo mo. Effective ka kung baga.
Likas sa tao ang maghanap ng kasagutan sa mga di nila naiintindihan, tao ako, kaya natural na magsasalita rin ako kung may kailangan akong maintindihan. Maghintay ka lang.
Friday, April 17, 2009
changing minds
astig siguro kung alam natin kung ano ang mangyayari bukas at sa mga susunod pang bukas. yung tipong pag pinikit mo ang mga mata mo at umisip ka ng petsa eh makikita mo ang bawat detalye. hay, ang sarap. biruin mo, di mo na kailangang mabaliw o mataranta pa sa pag-iisip kung ano ang kahihinatnan ng kapalpakang nagawa mo sa kasalukuyan. ang saya sanang isipin, pero sayang, hanggang pangarap na naman ito.
siguro sasabihin mo, "andyan naman ang mga manghuhula." hoy, gumising ka nga, hindi lahat ng kanilang mga prediksyon ay totoo. sabihin na natin na sa isang punto lamang sila sa atin, pero isipin mo, kaya nga sila inawag na manghuhula, walang katiyakan ang kanilang sinsasabi, from the root word ika nga.
tao lang tayo, napatunayan man ng siyensya na tayo ang pinakamatalinong tao sa balat ng lupa o sabihin pa nating sa universe pa, pero sa kabilang banda may mga limitasyon pa rin tayo. simple, katulad na lang ng mga isda, di man sila malulunod sa tubig, mamamatay naman sila sa lupa.
pero balik tayo sa usapan. paano nga kaya kung ang lahat ng magaganda at masasamang manyayari sa buhay natin ay alam na natin. ating isa-isahin. kung alam natin ang magagandang manyayari, eh di ayos. lagi na tayong magiging masaya at lagi na rin nating papangaraping dumating na ang tamang panahon para mangyari iyon. sa ingles, we'll always look forward to the time that it will be happening. pero, isang napakalaking pero! masaya ka nga at alam mong may magandang manyayari sa iyo bukas, pero isipin mo, pano na lang kung totoong nangyayari na iyon? dun mo malalaman na sana hindi mo na lang ito nalaman. bakit? kasi madidiskubre mo na nawalan na ng saysay ang salitang SORPRESA. habang buhay mo nang ipagkakait sa sarili mo ang kasiyahang hatid ng mga sorpresa. para ka lang nyan nanood ng peilikulang pangalawang beses mo nang napapanood.
sa kabilang dako naman tayo, kung alam mo na ang mga kapalpakang mangyayari sa iyo, masisiyahan ka pa bang gumising sa umaga at harapin ang dapat na mangyari? masisiyahan ka pa kayang namnamin ang mga tagumpay sa araw na iyon kung alam mong maya-maya lang ay may di magandang mangyayari. maliban sa nakakabaliw na pag-iisip na yan habang hinhintay mong dumating ang pagkakataong iyon, isipin mo kung andun ka na talaga sa panahong iyon. sasama lang ang loob mo na wala ka man lang nagawa para mapigilan iyon kahit na matagal mo nang alam na mangyayari iyon. nakasulat na ang lahat eh, ang lahat ng makikita mo ay mangyayari na talaga. so ano pa ang silbi ng kaalaman mo sa mangyayari bukas kung wala ka rin naman palang magagawa?
eh di wag na lang. "let's live one day at a time na lang," mas mabuti pa yun.
Saturday, November 22, 2008
"don't shout to strangers!"
hindi mo kailangang sumigaw para lang maintindihan kita.
kahit ang pinakamahinang bulong ay maiintindihan ko,
at isa pa, hindi dahil sumisigaw ka ay tama at mataas ka, hindi mo ba napansin, kinakailangang mong sumigaw para makuha lang ang atensyon ng iba o bigyan ng takot ang iba para sa sarili mong intensyon, pero sa totoo wala naman talagang kwenta ang mga salitang lumalabas sa bibig mo.
--hay, hirap makipagsabayan sa mga irate callers!
Wednesday, October 8, 2008
risking it all
minsan, parang ang hirap magsakripisyo na lang ng kahit konting panahon o atensyon para lang sa bagay na iyon. kaya heto ako ngayon, nabali na naman ang mga pangako sa sarili.
pero alam mo, naisip ko, hindi ko pala gaanong gusto ang bagay na hindi ko mapagbigyan kahit ng konting panahon lang. kasi naman, masusukat ang kagustuhan mo sa isang bagay sa laki ng atensyon at dami ng panahon na kaya mong isakripisyo para dito. di ba? kung hindi ka handang mawala sa'yo ang isang bagay para sa isang bagay na gustung-gusto mo, eh gumising ka na, ang totoo, hindi mo talaga ito gusto. maniwala ka.



